Tanakuta - TNKT (Tanga Na Kung Tanga) lyrics

Published

0 201 0

Tanakuta - TNKT (Tanga Na Kung Tanga) lyrics

Seryoso bang kwentuhan ang aking nasaksihan Kwento mo at kwento ko, pinagppyestahan. Laman ka ng balita kahit saan mapadaan, Naririnig ng tenga tumatagos sa aking laman. REFRAIN: Totoo man ay wag kang mag alala Ito'y di matitibag, sa sinasabi ng lahat. Parang isang gamit na pinaglalaruan, Pagkatapos pagsawaan, tinatapon na kung saan. Sabi ng kaibigan wag na raw pagtyagaan, Walang mapupuntahan, binubola ka lng nyan REFRAIN: At sabi nila wag mo ng pag aksayahan, Di naman karapat dapat, lalo ka lang masasaktan. CHORUS: Pero mahal ko siya walang iba Kahit na sabihin niyong ako'y tanga Mahal kita! walang paki sa sasabihin ng iba, Tanga na kung tanga. Nilamon ka ng hangin at di na maramdaman, Linggo lang ang lumipas sumuko ka sa labanan. Tuluyan kang naglaho at sa iba natagpuan, Pinipilit kang limutin pero ang hirap na gawin REFRAIN: Lahat sila parehong nagpayong wag na daw, Wag na daw kitang isipin at wag na rin papansinin. (Repeat Chorus) Isang araw nakipagbalikan ka, Ngunit sabi ng iba, Wag ng magpakatanga (Repeat Chorus) LAST CHORUS: Pero handa nkong magpakatanga Kahit na walang pabor sayo sinta haha, mahal kita hanggang sa dulo ng walang hanggan bahala na tanga na kung tanga! BRIDGE: At sana lang, damayan nyo ako, Kung sakali mang mali pala ito. Di naman dating ganito, Gayon pa may handa ring magbago. Pero mahal ko sya walang iba haha Tanga na kung tanga!