Quip - Puwing lyrics

Published

0 195 0

Quip - Puwing lyrics

[Verse 1] Kumusta ka na? Pati mga magulang mo kumusta sila? Kumusta na ang lolo’t lola mo’t mga kapatid Kumusta ang mga pangarap wag ka sanang maiinip, kahit Puro tanong walang sagot, parang sakit na walang gamot Madaling manimula ang mahirap ay magtapos Kaibigan kasama sa kwento at sa pikunan, Inuman at kalokohan, lugaw puto at gulaman ngunit Minsan ang ugnayan ay napapalitan Buhat ng selos at kung ano anong dahilan Tiwala, pera’t babae ay kinaiingitan Sekereto’y babalikan hanggang magkasiraan Madilim man at malabo layuning di sigurado Trabaho mong mamuno magturo’t maging Piloto Gumalaw nang pusitibo hubugin ang pagkatao Di na kailangan ng tulog kung saan tayo patungo dahil [Chorus] Liwanag, ako ay napupuwing Kahit ngayon ay di na makaidlip [Verse 2] ‘Di makapag-aklas sa batas na may butas Bigkas pa ng bigas baka kulangin yan pangbukas Buktot bulong ng ahas pumitas ka ng mansanas Aaatras ang alas kapag hinabol ka ng malas Hinangin ang kawayan ng mga bumabatikos Haranahin ng kundiman, kung ‘di ‘man ay magtutuos Sino ang may sala? Yung’di ba pinagpala Kaya naman pala, di nagdala ng pala. Wag mawawala, maghukay ka ng bangkay Gamit ang iyong kamay, ika’y magagamay Madadama’y patay, hindi buhay, biglang nahati ang tulay Biray na pang sakay, nagdalumpasay sa pasay Manok nakilahok, kukong lusok, nasulok, Lumiyok, tumilaok, antay nang onti, masa’y lililok Tatsulok na nalunok, kaya bumilaok Sistema na bulok pag may kaya, makakapasok Liwanag, ako ay napupuwing Kahit ngayon ay di na makaidlip [Chorus] Liwanag, ako ay napupuwing Kahit ngayon ay di na makaidlip