Quip - Love, Juan lyrics

Published

0 186 0

Quip - Love, Juan lyrics

VERSE 1 Pag dungaw nang umaga sa kastilyong tinatawag ko ay kama Papasok parang kalaban at gigisingin ni lola Itlog na almusal naka handa na sa lamesa Katabi ng aking baon at libro para sa eskwela Pero bago ihatid magpapaalam kay nanay Na tulog sa umaga dahil gabi ang hanap buhay Binuksan kanyang kamay, pangkulay ay nilagay Para ginuhit kong litrato kanyang mabigyan ng buhay Ito ang patunay na ang isang larawan Ay kayang isalarawan ang kwento ng buhay Na dapat ay ihanay kasama ng pangarap Upang maipaliwanag ang kaligayahang tunay Hindi kayang palitan ng bagay o salipi Ang ngiti sa pulang labing laging hanap sa gabi Dahil wala siya sa bahay tuwing ako'y umuuwi Kaya sinusulit nalang ang madalang na sandali, dali CHORUS Gusto ko sanang balikan ang aking nakaraan Hindi para palitan, nais ko lang na mas maintindihan Parang sulat ginagamit pang kumot Lalo na sa gabing tahimik at walang kausap Binabalik balikan mga litrato mo Love, Juan. Love, Juan. VERSE 2 Ang matang malabo tensyonado ang tingin malayo Ang kanyang sarili kinausap binaba ang ulo Pumatak ang luha sa paanan, pilit tinatago Para di mukhang mahina kanyang pagkatao Laki malapit sa usok at kadiliman Di malaman kung sino ang pwede kung pagtiwalaan Walang matinung kausap dalangin lang ang sandalan Madilim mga daanan kung walang ilaw ang tahanan Dito nahubog natoto habang nag pipigil na di Mahulog sumuko sa kung ayaw kung gawin Ang kusinero tinalo sa pagkapit patalim ng mga Tao ditong gutom at madilim ang paningin Unti-unti nang namuti kung anu ang dating maitim Namumutla akala di ko napansin Kung salamin ng aking mundo ang iyong mata May parating na bagyo at ikaw ang nasa gitna, Ina CHORUS Gusto ko sanang balikan ang aking nakaraan Hindi para palitan, nais ko lang na mas maintindihan Parang sulat ginagamit pang kumot Lalo na sa gabing tahimik at walang kausap Binabalik balikan mga litrato mo Love, Juan. Love, Juan. VERSE 3 Hirap na siya bumangon nasa kama maghapon Bihira na maglaro, hinga nalang hinahabol Lumapit sa akin upang kanyang sabihing Sumama ka sa iyong Lola may dapat kang makilala Bumiyahe nang malayo, mga nangyayari malabo Wala pa akong nakilala na matapang na hindi minsan natakot Sumabay, di na nagisip pa Pagbaba kumatok kami sa Bahay na ang bakod simento at ang hangin sariwa Ako'y nagpakilala, matapos pagbuksan Walong taong gulang na bata, ang pangalan Juan Sayang at di ka nakilala ng mas maaga Di natin mararanasan na buo ating pamilya, ama