Quip - Gimik lyrics

Published

0 207 0

Quip - Gimik lyrics

[Verse 1] Pantalon, planchadong manggas, o handa ka na ba lumabas Ginintuang mga kuwintas, amas at iba pang alahas Magulang mahimbing ang tulog (shhh) tara na't tumakas Nagipon buong linggo para naman na may pangwaldas Mahinhin na pagyapak, pagkapa, madilim na salas Paglabas ng pinto, tila nakalaya ng rehas Sa akin na ang buwan, sa kanila na ang bukas Naririnig ko na ang kampanang uma-animas Kung mas maaga, maiiwasan ang pila na mahaba't Tinatamasa ng dila ang mapait na lasa Ng alkohol na sa'king lulunod at magbabasa Nagpapalimot pansamantala ng lahat ng problema Malawak na kalsada kung sino sinong dumadagsa Kahit ipagdugtong, hindi kumpleto parang parirala Sakay ni manong sa traysikel, barkadang pumuno Hetong gabing ito sa atin ang mundong ito [Chorus] Halika na't gumimik Tumakas ka't gagala na Bahaghari ng isipan Lumabas ng kalawakan Sumama ka sa himig at makulay na paligid/ Sumama ka sa himig at matuto kang umibig [Verse 2] Yung tipong umaga pa lang ay planado na ang lakad Pagmulat ng mga mata ang oras ay medyo makupad Ilang buwan ang inantay bago tuluyang itinulak Ang balak na mas puti pa sa perlas, bulak at ulap Rosas, polo at sulat para sa hinahangaan Sana naman ay di masayang, panahon na inilaan Kakatanong mula pangalan at pangarap na tahanan Lahat na nga napagusapan, ba't di pa kami magmahalan Sinundo sa kanyang bahay naka pulang bestida Mula buhok at kilay, talo pa ibang dekada Klasiko parang si Nora, pustura ni Angelina Gilas ni Monalisa Ngiti ni Princess Diana Sariwang hangin habang, naka hawak sa bewang Kita ko sayong matang isinasa-larawan Walang hangang kabataan na di basi sa edad Dalagang pinangangalagaan ang sariling dignidad, tara [Chorus] Halika na't gumimik Tumakas ka't gagala na Bahaghari ng isipan Lumabas ng kalawakan Sumama ka sa himig at makulay na paligid Sumama ka sa himig at matuto kang umibig