Parokya Ni Edgar - Namamasko Po lyrics

Published

0 189 0

Parokya Ni Edgar - Namamasko Po lyrics

Namamasko po! Verse: Pagpasensyahan nyo na kung kami'y nanggugulo Ganyan lang talaga tuwing kami'y namamasko Walang pakialam kung saan mapadaan Basta't mayroon mga mapagkakakitaan Verse: Mayroon bitbit na gitara para sa aming pagkanta Mayroong dalang tubo baka may manghabol na aso Tanggap naman namin na kami ay sintunado Pero naman lolo please lang 'wag kang mangbabato Hook: Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya Verse: Hapon palang nagkakaroling na kami Tinatanggap namin maging dyis man o bente 'Di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta Basta't sabay sabay kami at sama sama Verse: Magkano na kaya ang aming naipon Ayos lang kahit magkano basta't may pang-inom Ilang bahay na lang mayroon nang pampulutan Tapos sa bahay ko kami mag-iinuman Hook: Paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to Paminsan-minsan lang naman din ang Pasko Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya Bridge: 'Di na yata magsasawa Sa'ming pagsasama-sama At sa aming pagkanta Asahan na maraming kita At kami ay sigurado Na panandalian lamang 'to Alam naman namin na hindi nga araw araw ang Pasko