Mocks Wun - Pagpapakumbaba lyrics

Published

0 442 0

Mocks Wun - Pagpapakumbaba lyrics

Verse 1: Mocks Wun sa pagpanik ng hagdan bawat hakbang ay yuyuko pag ang palay lumaki yan/ ay kusang yuyuko ang di marunong yumuko mauuntog/ yan balang araw magkakabukol ang hambog/ sa araw ay masisilaw na mas mataas, mas malakas at mas mainit ang sikat wag UMAStang mataas kung mas mainit pa ang sinat sayo isinga mo para lumabas ang init at dina mabinat dina kumalat ang hangin na sa anit sumambulat na sa ulo mo kaya nabalutan ka ng kapalaluan sina ulo mo ang sarili mong kapurihan ang langis ng kayabangan pinahid sa katawan pumili ka ng yayabangan yung marunong magyabang walang agimat ang alamat nakatapat yan sa karapatdapat kalabaw man ang balat babaon pag nasibat ng karma na tapat ibibigay kung anong dapat sumbat ang maririnig ng mga nag mamaangat Chorus: wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak maghintay kang lumakas para di ka bumagsak wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo ang araw ay sisikat din para sayo Verse 2: Mocks Wun paano ka magiging mayaman na katulad ng negosyante kung bilang namamasukan lantad ang pagka-arogante di na bale kung ignorante basta alam san ang byahe di yung alam mo kunware tapos maliligaw ka pare para intelehente kang masabi ika'y nagmamarunong impormasyon mo puro peke parang news sa kuratong pagbabago ang permanente taas baba parang gulong parang pinoy na dina komportable pagnakasuot na ng barong kaya kung ika'y nasa taas wag kang maghangin kahit gaano ka kataas ay bababa ka rin wag masyadong mag angas baka mabigla ka rin ang matapakan mo'y malakas na kaya kang baligtarin nakaakyat kalang sa ikawalang palapag wala ka sa tore 1 point direct to the card ang dagdag di ka honor pre pinuno ka ng mga may pantalon na tagtag di ka presidente sa sobrang taas mo di kana makalapag, aabutin mo aksidente Chorus: wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak maghintay kang lumakas para di ka bumagsak wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo ang araw ay sisikat din para sayo Verse3: Verse One Kung nasan man ako ngayon utang ko'to sa inyo kayo ang nagpakinang sa lumang pangalan ko pag ako'y kumakanta tinuturin nyo'kong tala ang di nyo lang alam ako ay inyong tagahanga lagi nyong sinasabi na ako'y inyong idol idol narin daw ako ng bomba kong ka-eyeball kayo ang maysabi nyan oo minsan ramdam ko na ang turing nyo saakin ngayon mamahaling ginto pero diba alam nyo na ang dating ako'y ako lang kung sumikat salamat kung hindi deretso lang ang gusto ko'y umawi sumulat ng kanta kung sakaling swerte nga makasulat din ng pirma at makasakay sa ereplanong walang papak sumayaw kasabay ng mga tunay na palakpak yan lang po ang sagot ko sa maraming tanong ninyo kung nasan man ako ngayon ito'y utang ko sa inyo Chorus: wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak maghintay kang lumakas para di ka bumagsak wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo ang araw ay sisikat din para sayo (2x)