Chorus: (Dwin) Awitin natin ang sariling atin Mga himig natin at bagong tugtugin Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan Rap Verse 1: (Sagisag) Ngayon ang oras ng pagbabago, mga awitin na galling sa puso mga nilikha mong obrang nagpatunay na Pilipino kat may apat na kulay Pula, Asul, Puti at Dilaw, tatlong bituin at isang araw taas noo tayong lahat ay sumaludo para satin bandila at mga awiting bago na magbibigay daan tungo sa kaunlaran, patugtugin mo na at ating umpisahan pagsulat ng talata para sa kamalayan, para sa bayan at kabataan kaya wag kang magaatubili subukan mo man at wag magmamadali ang nais kong sabihin ay iisa lang mahalin mo ang sariling atin at pakinggan tara na Chorus: (Dwin) Awitin natin ang sariling atin Mga himig natin at bagong tugtugin Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan Rap verse 2: (2Young) Huwag nang mag-luksa at mag-maktol Ilabas na ang gitara at tambol. Tayoy mag samasama tawagin na ang tropa Tayo ay lilikha gagawa ng kanta. Para sa industriya at para sa ating hinerasyon na nagsisimula. na muling bumangon mula sa pagkalunod galing sa putikan at lalong nahubog. Ang kamalayan ng bawat musikero, hindi na usapan kung anu ang iyong kurso Sabayan mo ng kumpas ang bawat mga tono Wag na tayong magagawan sa isang tono Kapit kamay at sumabay ka sa kampay Sa pagbangon wag na tayong hinay hinay Ito ang handog naming awitn Filipino music ating tangkilikin. Chorus: (Dwin) Awitin natin ang sariling atin Mga himig natin at bagong tugtugin Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan Rap verse 3: (Mac G.) ito ba'y kathang isip na mistulang panaginip, kapag lumubog ka'y hirap na tong masagip, at tara halika na bigyan nating konting silip, ang musika sa daanan na masikip, Subukan mong idilat ang mga matang makislap mga tangang mailap sa OPM makalanghap ng awiting tagalong na mula pa sa Pinoy mga nasimulang tugtugin ay atin nang ituloy bigyan natin ng kulay ang mundo gamit ang musika, na parang naglakbay sa hiwaga ng mahika, ng tugtog ng musikang pinoy, na mas matibay pa sa mga kongkreto at kahoy, tila natabunan tayo ng mangilan ngilang dayo, at napagiiwanan ng mga kalayong ibayo, ang lapit na ng tugtog pero parang ang layo satin, sa mundo ng opm tara na't sumama samin. Chorus: (Dwin) Awitin natin ang sariling atin Mga himig natin at bagong tugtugin Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan (Repeat 2X) CODA: Awitin natin! ang sariling atin! Ating tangkilikin ang sariling musika na di natatabunan ng kutlura ng mga banyaga!