Jonathan Badon - Dugong Pilipino lyrics

Published

0 416 0

Jonathan Badon - Dugong Pilipino lyrics

Natanaw sa kalawakan Perlas sa dulong silangan Kagandaha'y nababanaag Bansang may paninindigan Lakas ng 'yong damdami't isipan Kayamanan ng 'yong kalikasan Liwanag ng 'yong katalinuhan Tagumpay ang dala sa pagkakaisa CHORUS Ikaw ay dugong Pilipino Sa takot ay 'di pa rin susuko Sabay-sabay sa pagbangon Sama-sama sa pag-asa 'Pagkat ikaw ay dugong Pilipino Sa ihip ng hangin huwag padadala Sa dakilang mithiin ika'y sumama Supilin ang apoy habang maaga Lukuban ng tubig na may pag-ibig Pagsikat ng araw sa dakong silangan Sa lupang ito'y laging manawagan Sa Dyos at sa bayan taglay ang pag-asa Sa harap ng lahat bagong Pilipinas REPEAT CHORUS Ikaw ay dugong Pilipino Sa takot ay 'di pa rin susuko Sabay-sabay sa pagbangon Sama-sama sa pag-asa 'Pagkat ikaw at ako'y dugong Pilipino