Hannah Precillas - Sana Man Lang lyrics

Published

0 283 0

Hannah Precillas - Sana Man Lang lyrics

Gusto ko lang naman Sana ay pakinggan Kahit 'di na unawain pa Sana ay pagbigyan na maipaliwanag ang aking pananaw 'Di naman mangangatuwiran Gusto ko lang na 'yong malaman Sa likod ng ngiti may isang paslit, nananaginip [Chorus] Kailan kaya makikita (Ang tunay na pagmamahal) Kailan kaya madarama paggalang sa isa't-isa? 'Di ko naman hinihiling na sana ay ibigin mo Sana man lang dinggin itong damdamin ko [Verse 2] Gusto ko lang naman na puso ko'y buksan Dahil 'di ko maintindihan kung sa'n ang kalalagyan Sa iyo'y 'di naman ipipilit Palitan ang pagtingin Ngunit kung kaya mo sanang hawakan Pag-unawa mo sa'kin At bigyang pansin luha ang daing hiling sa langit [Chorus] Kailan kaya makikita (Ang tunay na pagmamahal) Kailan kaya madarama paggalang sa isa't-isa? 'Di ko naman hinihiling na sana ay ibigin mo Sana man lang dinggin itong damdamin ko Kailan kaya makikita (Ang tunay na pagmamahal) Kailan kaya madarama paggalang sa isa't-isa? 'Di ko naman hinihiling na sana ay ibigin mo Sana man lang dinggin itong damdamin ko