Davey Langit - Bata lyrics

Published

0 389 0

Davey Langit - Bata lyrics

Nais ko ang magbalik sa panahong Pinapatulog pa ako Ng nanay ko 'pag hapon Kunwa-kunwaring iidlip Pagkalipas ng ilang saglit Ako'y tatakas na't makikipaglaro Uuwi ka ng madungis At basang-basa sa pawis Papaliguan ka't pakakainin Kahit na anong gawin Di ka nila matitiis Bago matulog may halik pang kay tamis [Refrain] Kay sarap lang talagang balikan Ang malaya nating nakaraan Kaya't sa aking pagidlip Kahit dun man lang sa aking panaginip [Chorus] Gusto ko lamang magbalik Kahit saglit, kahit lamang sandali Sa aking pagkabata Takasan ang problema Dito muna magsaya Ang hirap pa lang tumanda... haahaa Magaling lang ako sa pagiging bata Alam ko na Kahit pa anong aking gawin Hindi totoo ang time machine Kailangan kong mabuhay pasulong Di pwedeng paurong Ganyan talaga ang buhay Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig Di maiwasang mainggit Sa naglalaro na bata Na nagpapanggap nang mama O di lang nila alam Ganito pala kahirap tumanda [Refrain] Kay sarap lang talagang balikan Ang malaya nating nakaraan Kaya't sa aking pagidlip Kahit dun man lang sa aking panaginip [Chorus] Gusto ko lamang magbalik Kahit saglit, kahit lamang sandali Sa aking pagkabata Takasan ang problema Dito muna magsaya Ang hirap pa lang tumanda... haahaa Magaling lang ako sa pagiging bata... haahaa Ang hirap pa lang tumanda... haahaa Magaling lang ako sa pagiging bata