Dati - Sam Concepcion, Tippy Dos Santos & Quest lyrics

Published

0 550 0

Dati - Sam Concepcion, Tippy Dos Santos & Quest lyrics

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo kay sarap namang mabalikan ang ating kwento lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili umaawit ng theme song na sabay kinabisa kay sarap namang mabalikan ang alaala ikaw ang kasama buhat noon ikaw ang pangarap hanggang ngayon Chorus di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ako yung prinsesang sagip mo palagi ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng... Datirati ay palaging sabay na mag syesta at sabay rin gigising alas kwatro y medya sabay manunuod ng paboritong programa o kay tamis naman mabalikan ang alaala Chorus di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ako yung prinsesang sagip mo palagi ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng Rap: Quest datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina ang sarap sigurong balikan ng mga alaala lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at parang Julio at Julia lagi tayong magkasama sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga sana mabalik pa natin ating pagsasama Chorus di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari ako yung prinsesang sagip mo palagi ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari ang aking pagtingin, oh ibulong nalang sa hangin pangarap na lang din (pangarap na lang din) na gaya pa rin ng .. dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng.. ng dati