Dahong Palay - Lihim Ni Eurd lyrics

Published

0 274 0

Dahong Palay - Lihim Ni Eurd lyrics

Ama, pagmasdan mo sila Hindi nila alam ang kanilang ginagawa Patawarin mo ako Kung ano man ang gagawin ko sa kanila Pinilit naming mabuhay ng tahimik Ngunit kalayaan ay inagaw nila sa amin Nagdidilim ang aking paningin Marami nang luha ang nasayang Ang ilog ng pighati ay wala nang mapaglagyan Sa aking paghihiganti, ako'y pagbigyan Ang langit na asul ay magiging itim Lalanghapin ang amoy at ihip ng malakas na hangin Nakakapasong lamig sa mga naghihintay sa akin Sa huling digmaan sa mga anak natin Ang paglubog ng araw ay simula ng walang Hanggang gabi Ang mga mata'y ililigtas sa parusa ng dilim Ako na lang ang tagapagtanggol ng iyong kaharian Amang hari ipasaakin ang kapangyarihan na magliligtas sa ating lahi Hindi ko nais ang korona at kayamanan Ang aking tanging hinihiling at dinadalangin Ay maibalik ang katarungan dito sa lupang Kinatatayuan Ako ay nagpapaalam tungo sa digmaan Espada sa aking kamay, sa kabila nama'y aking pangalan Sa king pagdating, pangako, bitbit ko'y katahimikan