d**h Threat - Gusto Kong Bumaet lyrics

Published

0 248 0

d**h Threat - Gusto Kong Bumaet lyrics

[Chorus x2] Gusto kong bumaet pero di ko magawa Gusto kong bumaet pero di ko magawa Gusto kong bumaet pero di ko magawa Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa [VERSE 1] Umagang-umaga sobrang ingay sa bahay Binubulyawan na naman ako ni nanay Pumaltos, nabuking ang tuition ko'y aking ginastos Sa beer house, lahat ito'y aking inubos Bastos akong sumagot ng pabalang-balang Nangangatwiran ng male Dehins ko siya ginalang Sumibat ng bahay, tumakas sa gusot Ngunit sa aking ginawa ako'y nasaktan, nalungkot Ako raw ay laki sa layaw, jeproks May ugaling aso na dehins oks na oks Nagkasala na naman ako sa itaas Humingi kaya ako ng tawad, bahala na bukas [Chorus x2] [VERSE 2] Gusto kong bumaet pero di ko magawa Kaya ngayo'y pumapatak ang aking mga luha Nagsisisi, tahimik, ako'y nakokonsensya Sa mata ng ama, ako ay isang itim na tupa Ang kasalanan lagi ko nang iniiwasan Pero di siya naalis, ayaw niya akong lubayan Baket kaya ako laging sumasabet Paulit-ulet, nangungulet, parating nag-iinet O tukso layuan mo ako Kapag nandiyan ka, ako'y nauuto mo Tinuro mong lahat ng bawal ay masarap Mali ito, kaya't ako ngayo'y hirap na hirap [Chorus: x2] [VERSE 3] Nagsimba ako kanina, nangakong magbabago Linggo-linggo na lang pangako ko'y pare-pareho Aasang pagbibigyan, sana'y patawarin Mga masasamang bisyo di na gagawin Hihingi ng tawaad, lahat na'y ginawa Bukas makalawa, para nang balewala Balik sa katotohanan, niloko ang magulang Nandaya na sa test, nangupit pa ng isang daan Nakalimutan ko na yata ang aking pinangako Aking pangako unti-unti na ring napapako Dada ng dada, wala namang natutuwa Gusto kong bumaet pero di ko magawa [VERSE 4] Bakit ganito, tuwing mayron tayong gusto Lalapit sa Diyos kapag hihiling ng kung ano Aasang patatawarin sa pamamagitan ng isang dasal Mga pangako natin laging nagtatagal Aasa ng pera, puro sana, sana, sana Puro hiling na lang, puro asa, asa, asa Gagawa ng maganda para mayroong kapalit Tuwina lang may gusto kunwari mabait Babalik sa simbahan magdadasal ulit Luluhod sa Diyos tayo, bakit, bakit, bakit Di natin gawin dahil sa ating kagustuhan Mga kapatid, Siya naman ang pagbigyan [Chorus x4]