Apo Hiking Society - Harana lyrics

Published

0 326 0

Apo Hiking Society - Harana lyrics

Uso pa ba ang harana? Marahil ika'y nagtataka Sino ba ‘tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba Mayro'n pang dalang mga rosas Suot nama'y maong na kupas Kasama pa niya ang barkada Na nakaporma't naka-barong Sa awit na daig pang minus-one at sing-a-long Chorus: Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sa ‘yo ‘Di ba't parang isang sine Isang pelikulang romantiko At ikaw ang bidang artista At ako nama'y leading man Sa istoryang nagwawakas Sa pag-ibig na wagas Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sa ‘yo Uso pa ba ang harana? Marahil ngayon ay alam mo na Basta't para sa ‘yo aking hirang Kahit na magmukhang hibang Tutupdin ang lahat, liyag Pagka't ako'y ‘yong bihag At mahal kita, sinta