Chorus Sa tuwing akoy nag-iisa Ikaw ang nasa isip ko sinta Hindi mo alam na mahal kita Kahit magkaron pa ng iba Babalikan kita... Ano man ang meron satin.. Asahan mo...... Lumingon man sa iba Ikay mahal ko parin 1st Lumingon man ako sa iba babalik pa rin ako sayo sinta Wag mo iisipin na iniwan ka na ano magagawa ko namimis na kita E ako naman ang naghanap ng direksyon Sa puso ko pan*lo ka kahit sa eleksyon Meron pa bang problema na walang sulusyon Pag pumasok ka sa puso ko hanggang bakasyon Hem totoo naman sinasabi ko sayo Itigil ang pag iisip ng kung ano-ano Hindi kita iniwan kahit laging magulo Sa tuwing kailangan mo ko nandidito lang ako Ang tulad kong lalaki meron ding damdamin Ang tulad mong babae sanay mapasakin Wala naman hangad na walang katuturan Ang kanta kong ito sayo lang nakalaan 2nd Nung unang nakilala ka may gusto na sayo Sa ganda ng iyong ngiti akoy nabihag mo Kahit ganyan ka pa sa puso ko ikaw lang Lumingon man ako sa iba wag kang maiilang Ikaw lang naman ang tanging laman ng puso kot isipan Gaano pa man katagal ang mag daan tayoy nagmamahalan
Wag na sana mababalewala ang pinagdaanan natin Sa lugar na tayo lamang sana ay balikan natin Ang tunay na katotohanan kung san tayo masaya Matamlay na alaala lagyan natin ng sigla Sa pagsasamahan natin na minsay nawawala Kapag bumalik ka sakin di ako madadala Kahit tayo ay bihira lamang mag kita Pagkasama ka naman para tayong linta Pag naaalala to ako ay natatawa Pag ako ay nasayo ako ay Masaya (Back to Chorus) 3rd Kalimutan ang problema balikan na ang saya Gumugulo sa isip mo ay burahin mo na Wag mong ipilit sakin na ikaw ay niloloko Hindi mo lang alam ikaw ay sinisiryoso Ng katulad kong lalaki na takot sa lokohan Ayoko mag laro.. Ayaw din masaktan Kung ipapakita mo na kaya ko itong gawin Mga nasa isip mo ay nasa isip ko rin Kung walang magpapatawad walang mapupuntahan Ayoko sa huwad ayoko ng gaguhan Patawad sa lahat ng mga nagawa ko Kalimutan mo na yung maling sinabi ko sayo Dahil alam mo naman na mahal din kita Wag mo naman sayangin ang pagsasama Ano man ang gawin palaging isipin Lumingon man sa iba ikaw ang pipiliin