Kahit malayo ay di magbabago Dahil sa puso ko ikaw lang ang nag-iisa Di hahayaan na tayo'y lumabo Kahit madaming tumututol sa'ting dal'wa Panghawakan mo lagi ang binitawang pangako At tandaan na ikaw lamang at wala ng iba C H O R U S Dahil sayo lang umiikot ang mundo Di ako mapapagod na maghintay at mahalin ang tulad mo At kahit nasasaktan ako Wag kang mag-alala, nandito lang ako Verse Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan Tayo'y di nagpadaig at ating pinanghawakan Ang pag-iibigang magkasama nating binuo
Magkahawak ng kamay tayong nagpatotoo Na mayrong panghabangbuhay, pag-ibig ang nagpatibay At maging ang aking buhay ay handa ko ng ialay Saiyo at wala na kong ibang mahihiling Isa sa pinakamasayang nangyari nang makapiling Huwag ng mag-alala, wala nang mas mahalaga At mas papatatagin pag-iibigang tinakda Kalakip ang tiwala na sa bigkis ay nagpatibay Ng pagmamahalang tatagal ng habangbuhay Panghawakan mo lagi ang binitawang pangako At tandaan na ikaw lamang at wala ng iba ( C H O R U S 2X )