Rap verse 1: (Sagisag) Ito ang simula ng pagbabago ang muling pagusbong ng makabagong Pilipino Sapagkat akin ang sinulat upang ihayag at ang prinsipyo ay ikalat Sa kabataan, mga kababayan sino ang nagkamali sinong may kasalanan Ang mali na tinama ng mali tama bang magtiwala kung ang prinsipyo ay bali Ang tao na namihasa sa kapangyarihan na nagyoy nagpapasasa sa kayaman na hindi kanila Kung nahaluhan ng bulok ang lahat ay bulok na Ang sistema na para sa masa at ang nakabalot ay mga plema at eksema Na kailanman ay di na maalis pa kaya halika tara na walisin natin sila Chorus: (Too young and Dwin) Ating iangat ang watawat ng Pilipinas Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo.. Rap Verse 2: (Mac G) Minumutya kong Pilipinas ito ang pinanggalingan Dito na ako sinilang sa lupa ko na hinirang pambihrang bayan to inulan ng kasayayan kababayan halika at atin pagalayan ang mga bayani na tumulong para alalayan sa kamalayan ng bawat pinoy sa kalayaan, Hinabaan ang pasensya hinayaan lang nung una, ngunit lumabis na hinagpis ay binuhos na Gamit lamang ang papel panulat at pati tinta, nakaliha ng tula na pampamulat sa mata Gisingin ang tulog na diwa tayo ay magkaisa Isulong natin ang Pinas sa pagka-paralisa, Proud to be Pinoy ako na nakataas ang noo Kahit san man lugar o lupalop ay dala ko to tanging sandigan na king bayan
Hanggang sa kamatayan, walang kamatayan ang pagibig ko sa baying Pilipinas Chorus: (Too young and Dwin) Ating iangat ang watawat ng Pilipinas Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo.. Rap Verse 3: (Mac G.) Sagisag hawakan mo na hatakin mo na ang mga lubid Na naguugnay sa watawat kong pambansay di mapatid Anu nga ba hahantungan ng bayan na Pilipinas Kung tayoy magkakapatid kalas kalas, pilas pilas Mga pinunong pasimuno sa mga katiwalaian Mga nagbabalat-kayong hukbo ng pamahalaan Sino ang dapat sisihin kung bakit lumagapak Ang bayan nating ito sa kahirapan sumadlak Rap Verse 4: Sagisag Gisingin ang mga diwa gamit ang ating mga natutunan sa nakalipas na panahon ang kasagutan ay kasalukuyan ang pagpili ng tama tatahakin ang daan patungo sa hinaharap at kasaganahan n g ating bayan, gobyerno, at lipunan at sa di na pagdaing ng ating mamamayan kalagan ang mga gapos gamutin ang mga galos Sanay dumating araw ang kahirapan ay matapos Chorus: (Too young and Dwin) Ating iangat ang watawat ng Pilipinas Tayo ay tulong tulong sa pagkilos at pagtaas Ng bandila ng sagisag ng kapayapaan Ipagpatuloy natin ang mga sinimulan Ng ninuno natin na ipinaglaban sa mga dayuhan ng ating bayan Kaya kapatid kumapit ka at humawak ka sa lubid ng kapayapaan wohoowho wohoo..