Kung buo na ang 'yong pasya na talikuran ang lahat, may magagawa pa ba? Kung pigilan ba kita, hanggang sa huli paglaban ka? Makikinig ka ba? Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin, 'di kita kayang iwan. Kung buo na ang 'yong pasya na limutin ang mundong kailan lang natin binuo. Hindi na ba sapat ang pag-ibig na tapat na handang ibigay habang-buhay.
Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin, 'di kita kayang iwan. Dahil may ning-ning p'ang ating bituin. Kung may tulay ay tatawirin. Dahil umiikot pa ang mundo. A ng puso ko'y sa'yo... Ang puso ko'y sayo. Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin, 'di kita iiwan. Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin, 'di kita kayang iwan. Hindi kita iiwan... Hindi kita iiwan.