Alamid - Handog Ng Pilipino Sa Mundo lyrics

Published

0 209 0

Alamid - Handog Ng Pilipino Sa Mundo lyrics

[Verse 1] Di na 'ko papayag mawala ka muli. 'Di na 'ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan kay tagal natin mithi. 'Di na papayagang mabawi muli. [Verse 2] Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa ang adhikain. Kelan man 'di na paalipin. [Refrain:] Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan Ay kayang makamit na walang dahas. Basta't magkaisa tayong lahat. (Mag sama-sama tayo, ikaw at ako) [Chorus] Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ang mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre, pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo. [Bridge] Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin. Magkakapatid lahat sa Panginoon. Ito'y lagi nating tatandaan. (Repeat refrain two times) Coda: Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Basta't magkaisa tayong lahat!